Gems: Incentive Scheme

Good News Ka-Grab!

Mas madali mo nang makakamit ang incentives dahil narito na ang bagong GEMS Incentive Scheme

Dahil kita namin ang pagsusumikap at maayos na serbisyo mo, nais naming makatulong at makapagbigay pa ng extra kita para sayo. 

Ano ang GEMS?

GEMS ang bago at mas pinasimpleng basehan ng iyong incentives. Ang bawat trip ay may katumbas na GEMS. Mas maraming maiipon na GEMS, mas magandang incentive!

Bawat araw, may makukuha kang MISSIONS na magsasabi kung ano ang iyong target GEMS para sa araw na iyon.

Bawat trip ay may katumbas na GEMS

May makukuha kang GEMS sa bawat completed trip. Pwede mong paghaluin ang GF at GE trips para makakuha ng mas maraming trips at GEMS. Oh diba? Ayos!

PAALALA:  Ito ay sample gems lamang. Tignan ang iyong job card para sa incentives scheme ngayong araw!

Pag marami ang GEMS, marami ang kita!

Ang incentive na iyong makukuha ay depende sa number ng gems na iyong maiipon kada araw.

DISCLAIMER: Maaring magbago ang dami ng gems at corresponding incentive amount na iyong matatanggap kada linggo. Tingnan ang iyong Incentives page para sa update.

Halimbawa ng Incentives Target ng GEMS:

Halimbawa ng GEMS Incentive Scheme:

PAALALA: Ang incentive amount ay hindi cumulative. Kung makakuha ka ng 225 gems sa isang araw, ang matatanggap mong incentive ay Php 290 LAMANG.

Maaaring magbago ang incentive amount ng Gems depende sa market demand at performance ng ating platform. 

Tingnan ang MISSIONS sa Driver App

May makukuha kang missions kada araw na naglalaman ng iyong target GEMS. Makikita mo ito sa Incentives page ng iyong Driver App. Ang MISSIONS ay nagbabago at nagre-refresh bawat araw.

TANDAAN: Criteria rin ang iyong Acceptance at Cancellation Rates upang mag-qualify sa Gems.