Menu Driver Sign-Up

Personal emergency? Family Assistance? Nandito kami, Ka-Grab.

Nandito na ang Grab Care Package!

Sa panahon ng pangangailangan at sa mga sitwasyon na hindi inaasahan, sagot ka namin Ka-Grab.

Ito ang iba’t ibang mga programa na maaari mong makuha:

PAALALA: SA KASALUKUYAN, ANG GRAB CARE PACKAGE AY AVAILABLE LAMANG SA METRO MANILA DRIVERS. PATULOY NAMING PINAPABUTI ANG AMING SERBISYO UPANG MAS MAPALAWAK ITO SA MGA DRIVERS NA HINDI BAHAGI NG METRO MANILA. 

*PARA SA PASSENGER LEFT MESS, AVAILABLE RIN ITO SA CEBU

1) Typhoon Assistance

Alam namin kung gaano kahirap bumiyahe lalo na sa panahon ng tag-ulan. I-report ang nangyari sa iyong sasakyan upang ikaw ay aming matulungan sa pag-repair nito.

2) Emergency Top Up

Sa oras ng kalamidad, mag-loan ng top-up mula sa Grab. Huwag mag-alala dahil ito ay ibabawas na lamang sa iyong cash wallet.

3) Passenger Left Mess

Top up reimbursement para sa mga nadumihan na sasakyan gawa ng pasahero.

4) Hospital Assistance

Pagbigay tulong sa ating Ka-Grab o alinman sa kanyang kaanak (Immediate Family Member) na na-ospital.

5) Burial Assistance

Pag-abot ng tulong sa pamilyang naiwan ng ating Ka-Grab.

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

TYPHOON ASSISTANCE

1) Sino ang qualified sa Grab Care Package?

Lahat ng sasakyan na nasira habang in-transit sa kasagsagan ng bagyo.

(example – Nabahang sasakyan). Ang sasakyan ay dapat mapagawa within 2 weeks simula ng araw na ito ay nasira.

2) Anong mga detalye ang kailangan?

  • Email Address
  • Full Name
  • Upload BIR-Official Receipt with the ff details:

– Name of Car Repair Shop, Dealer or Casa (with dates)

– Contact Name and Number from the car repair shop

TIN of business

– Damaged Parts to be replaced

– Total Cost of repair

  • Screenshot of Booking ID
  • Government ID
  • GCash Number
  • Short description of the scenario
  • Picture of the actual scenario

3) Anong klaseng financial support ang maaari kong makuha?

One time reimbursement ang ibibigay ng Grab para sa nagastos sa pagpapagawa ng sasakyan.

4) Paano kung ang ang sasakyan ay nagkaroon lang ng minor damage ngunit maaari pa naman itong gamitin sa pagbiyahe?

Maaari pa rin itong i-report sa Grab upang ma-evaluate ang nasabing sira.

5) Paano ito ma-claim?

Tumawag sa 837100 (drivers) | 8837101 (peers) o mag-send ng message sa Ka-Grab Community App.

6) Paano ako mababayaran?

Ang reimbursement ay isesend sa iyong cash wallet at ito ay mapoproseso sa loob ng 48 hours

 

EMERGENCY TOP UP

1) Sino ang qualified para sa Emergency Top up?

Ito lamang ay para sa Silver, Gold, at Platinum members. 

2) May limit ba ang amount na pwedeng mag-request?

Hanggang P500 Top up ang maaaring i-request per day.

3) Tuwing kailan maaaring magrequest ng Top up?

Tuwing may kalamidad lamang ito maaring kunin at kapag ang Disaster Response ay active. 

4) Paano mababayaran ang Top up na hiniram?

Ang halagang hiniram ay ibabawas sa iyong cash wallet pagkatapos ng 2 working days.

5) Paano ito ma-claim?

Maaaring tumawag sa 837100 (drivers) | 8837101 (peers) o mag-send ng message sa Ka-Grab Community App

 

PASSENGER LEFT MESS

1) Sino ang qualified para sa Passenger Left Mess Program?

Ito lamang ay para sa Silver, Gold, at Platinum members na nasa Manila at Cebu. 

2) Ilang beses ko itong pwede i-avail? 

Limang beses (5) mo lamang ito maaaring magamit sa isang taon. 

3) Ano ang mga maaaring ipalinis?

  • Pet mess
  • Baby mess
  • Bodily fluids (excrement, urine, vomit, atbp)
  • Food/drink spills

4) Anong detalye ang kailangan?

  • Date of incident
  • Amount Requested
  • Booking I.D.
  • Pictures of ACTUAL mess

– Wide-shot (including plate no. and overall vehicle)

– Shot with doors on one side open (must see interior and general  shape of the car)

-Close up shot of mess while showing interior

– Official Receipt

5) Saan ko pwedeng dadalhin ang kotse para ipa-carwash?

Maaaring magpa-carwash kahit saan basta’t siguraduhing ang carwash na  pupuntahan ay nagi-issue ng Official Receipt.

6) Ilang beses maaaring magpa-reimburse?

Isang beses lamang pwedeng mag-request ng reimbursement.

 

HOSPITAL ASSISTANCE FOR DRIVER AND IMMEDIATE FAMILY MEMBER

1) Sino ang qualified para sa Hospital Assistance?

Ang ating mga partners o kanilang immediate family member.

2) Paano ito ma-claim?

Maaaring tumawag sa 837100 (drivers) | 8837101 (peers) o mag-send ng message sa Ka-Grab  Community App

3) Anong detalye ang kailangan?

Hihingin ng agent ang mga sumusunod na details:

  • Driver Full Name
  • Plate Number
  • Name of immediate family member (Kung kinakailangan)
  • Sickness/ailment

Kung mayroon kang health insurance, i-submit rin ang mga sumusunod:

  • Medical Certificate (Photocopy)
  • Government ID of the driver
  • Government ID of the immediate family member
  • Proof of legitimacy
  • Marriage certificate
  • Birth Certificate

4) Paano ako mababayaran?

Ang payment ay makukuha sa iyong cash wallet at ito ay mapoproseso sa loob ng 48 hours. 

 

BURIAL ASSISTANCE

1) Sino ang qualified para sa Burial Assistance?

Lahat ng partners ay qualified sa programang ito.

2) Anu-anong mga detalye ang kailangan?

  • Full Name
  • Plate Number
  • Date of death
  • Cause of death
  • Death Certificate (Photocopy)
  • Government ID of the driver
  • Government ID of the family member

Kung ang mag-cclaim ay asawa ng driver, mag-submit ng Marriage Certificate.

3) Paano ito ma-claim?

Maaaring tumawag sa 837100 (drivers) | 8837101 (peers) o mag-send ng message sa Ka-Grab  Community App.

4) Paano ako mababayaran?

Ang payment ay ibibigay via check at ang release schedule ay kada-Biyernes, 2:00pm – 4:00pm