GrabCar Protect Onboarding Journey

Introducing Grab’s safest and secure transport service type against COVID-19! Nandito na ang GrabCar Protect! Ano ito at paano maging bahagi ng fleet? Alamin!

Ang GrabCar Protect ay ang bagong Service Type na mga fully vaccinated Ka-Grab partners ang magbibigay serbisyo. 

Bukod pa rito, may added COVID-19 assistance din ito para sa mga passengers kaya’t dadami rin ang bookings at rides sa Service Type na ito. 

Sa GrabCar Protect, sulit ang bawat booking! Oh diba?! Bakunado ka na, may extra kita ka pa!

Paano maging bahagi ng GrabCar Protect?

First requirement ng GrabCar Protect ay ang pagiging vaccinated ng kahit anong brand ng COVID-19 vaccine. After vaccination ay i-submit ang inyong proof of vaccination dito sa link na ito.

 

Kung hindi pa vaccinated, maaari rin magpa-schedule ng vaccination sa ating bagong bukas na Grab-Makati Vaccination Site. Maaaring magpa-schedule dito sa link na ito.

 

After makapag-submit ng proof of vacccination, ikaw ay makaka-receive ng SMS o ng in-app notification na umattend ng ating required GrabCar Protect safety training.

Dito malalaman ang mga requirements na kailangan at other safety reminders para makabilang sa GrabCar Protect fleet.

Mayroong daily morning and afternoon training schedules na pwedeng attendan. Ang live trainings ay via Zoom kaya huwag kalimutan mag-sign in gamit ang inyong app.

Ano nga ba ang mga kailangan sa vehicle para maging parte ng GrabCar Protect?

  1. Acrylic or Plexiglass Barrier
  2. 500 mL alcohol

Kailangan magsubmit ng photos ng acrylic barrier at sanitizer sa submission form na ito.

Dahil pictures ng requirements ang kailangan i-submit, siguraduhing klaro at kita ang mga ito sa mga pictures na ipapasa sa form. Mayroong tatlong pictures na kailangang isubmit sa form at ito ang mga sumusunod:

Photo 1: Acrylic / Plexiglass barrier + Alcohol + Driver + Vehicle

Photo 2: Vehicle + Plate Number + Driver

Photo 3: Driver Valid ID

Siguraduhing makapag-pasa ng requirements two weeks after ng training session upang mapabilis ang inyong onboarding sa GrabCar Protect.

Paalala: Ang pagsubmit ng mga fake documents pati na mga pictures na hindi sa iyo ay paglabag sa ating Driver Code of Conduct. Siguraduhing tama at tapat sa pag-submit ng requirements.

Pagkatapos makapag-submit ng requirements sa submission form, ive-verify ito ng aming team.

After successful verification, hintayin ang SMS ng Grab representative upang mag-schedule ng pick-up appointment sa GDC para ma-claim ang Grab-issued vaccination badge at safety signage.

I-pick up ang mga safety signage at vaccination badge at i-install sa barrier upang sa pag-biyahe ay makita at mabasa ng maayos ng mga passengers.

At voila! Kasama ka na sa GrabCar Protect fleet, ang safest transport Service Type sa ating Grab platform.

1. Paano kung hindi pa ako fully-dosed sa aking vaccine?

Kailangan munang makumpleto ang iyong second dose ng vaccine para ma-activate ang GrabCar Protect sa iyong Driver App pero maaari ka nang maka-receive at umattend ng training invites at makapag-submit ng mga requirements.

2. Ako ay may first dose ng AstraZeneca o ng Sputnik V at waiting pa ako for my second dose. Eligible na ba ako sa GrabCar Protect?

Ka-Grab, kahit naka first dose palang ikaw ng AstraZeneca o ng Sputnik V na COVID-19 vaccine, eligible ka nang makakuha ng GrabCar Protect, basta’t may 30 days na ang nakalipas after ng inyong first dose.

Dapat din naka-attend ka na ng required training at nag-submit ng proof of requirements. After verification, maghintay lamang ng up to 1 week upang ma-onboard sa GrabCar Protect.

Pagkatapos ng inyong second dose. dapat mag-submit ka ng proof of vaccination upang manatili sa GrabCar Protect.

3. Ako ay may plastic cover/ plastic barrier, hindi ba pwede iyon?

Ang requirement para sa GrabCar Protect ay acrylic o plexiglass barrier lamang. Kung nais mapabilang sa fleet na ito ay kailangan magpalit ng barrier.

4. Ako ay may acrylic L-type barrier, pwede na ba iyon?

Kung sakaling L-type acryclic/plexiglass barrier na ang naka-install sa vehicle, hindi mo na kailangan magpalit sa straight type barrier. 

Ngunit hindi pa rin pwede magsakay ng pasahero sa harap/katabi ng driver.

5. Anong benefits ang pwede kong makuha sa GrabCar Protect kung sakaling ako ay magka-COVID 19?

Pareho pa rin ang benefits sa existing GrabProtect Driver COVID Assistance. Hindi ito nangangailangan pa na ma-ospital para makuha ang financial assistance.

6. Kumpleto ko na ang requirements at nakapag-training, bakit wala pa rin akong GrabCar Protect?

Ka-Grab, after completion ng requirements, maghintay lamang dahil within 1 week ay makaka-receive ka na ng GrabCar Protect Service Type.

7. Paano ilagay nang tama ang acrylic/plexiglass barrier?

Ipantay ang height ng acrylic/plexiglass barrier sa headrest (max 5 inches mula sa ceiling) para may daluyan ng hangin.

Ka-Grab, bakunado ka na ba?

Ka-Grab, nais mo bang magpabakuna?